Subscribe Us

Header Ads

AYUDA SA HUMIGIT KUMULANG ANIM NA RAANG MANGINGISDA SA BAYAN NG MERCEDES NAIPAMAHAGI NA NG BFAR

Huwebes petsa 18 ng Marso, ay namahagi ng ayuda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)  Camarines Norte sa humigit kumulang 600 na mangingisda sa Bayan ng Merceds Camarines Norte. 

Nakatangap umano ang mga ito ng tig Php 3,000.00 cash, at Php 2,000.00 food subsidy kung saan nagkakahalaga ng Php 400 para sa itlog at karneng manok, Php 1,000.00 naman Bigas na mula sa 8 Poblacion Barangays, sa pamamagitan ng Cas Voucher na maaring palitan sa itinalagang Money Changer ng naturang ahensya. 

Ang nasabing pamamahagi ay pinangunahan ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam, ang nasabing programa ay layong matulungan ang Marginalized Fisherfolks lalo na ngayon sa panahon ng pandemya, mayroong namang mga Barangay pa ang naka schedule para mahatiran ng nasabing ayuda. 

#BBWCamNorteR5

#BiradaChrisCaramoanDar





Post a Comment

0 Comments