Subscribe Us

Header Ads

PAGTALAKAY SA PANGANGAILANGANG SECTORAL SA LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE ISINAPORMAL

Dumalo sa Pagpupulong ng mga nagkakaisang Sektor sa lipunan ng Lalawigan ng Camarines Norte ang ibat iba nitong leader sa Paseo, Purok 8, Barangay Mantagbac, Daet, Camarines Norte ngayong Marso 20, 2021. Pinangunahan ni Mischelle A Pamesa  Regional Secretary General ng Birada Balita Bicol ang pag representa sa nasambit na Media Organization.Sa nasambit na pagpupulong tinalakay ang ibat ibang problema na kinakaharap ng mga sector sa Probinsya lalong lalo na pagdating sa usapang pinansyal.Mababatid na ang Sangguniang Panlalawigan na may ipinasang Resolution na may numerong 548-2020 ay unanimously approved ng lahat ng Board Member sa nasambit na Probinsya. 

 Ang pagkilala sa kakayanan ng mga sektor ng lipunan ay binigyang halaga. Layon din ng nasambit na resolusyon na kilalanin ang ambag sa lipunan ng mga Sectoral Group.Matapos ang pagpupulong ay naging matagumpay ang kinahinatnan nito at patuloy ang pag organisa sa unang layunin na nilatag nila.

MICHAEL V PAMESA

BBW RD5 BICOL





Post a Comment

0 Comments