Subscribe Us

Header Ads

DALAWANG HALOS MAGKASABAY NA ENKWENTRO SA PAGITAN NG MILITAR, PULIS AT DI PA NAKIKILALANG MGA GRUPO NAGANAP SA DUMAGMANG .

FLASH REPORT!

Bandang alas 9 ng gabi Marso 19, 2021, biglang naganap ang pagsabog at putok ng mga baril sa kampo ng Militar sa Barangay Dumagmang Labo, Camarines Norte.

Ayon sa mga residenteng malapit sa pinangyarihan, sila ay nakaramdam ng matinding takot at pagkabigla sa pangyayari, lalo pa't tinatayang nasa 20minuto hanggang 30minuto ang naganap na palitan ng putok mula sa grupong sumugod sa kampo at sa panig ng Militar.

At habang nagaganap ang palitan ng putok sa panig ng Militar  at ng grupong sumugod. Naganap din ang isa pang engkwentro sa kampo naman ng mga Pulis sa purok 4, ilang kilometro lamang mula sa kampo ng militar.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang buong detalye at kung sino ang grupong responsable sa pag atake.

#JAYSONDELEMON

#BBW

#BBWCAMARINESNORTER5









Post a Comment

0 Comments